Language   

Mindanao

Freddie Aguilar
Language: Tagalog


Freddie Aguilar


Mula nang magka-isip ay nagisnan ko ang problema
Hanggang sa kasalukuyan, akin pang nakikita
Tuloy pa rin ang digmaan
Kalat na ang kaguluhan sa Mindanao
Mindanao, Mindanao

Mga mamamayan doon ay takot ang nadarama
Hindi malaman kung ano ang gagawin sa tuwi-tuwina
Mga taong walang malay
Madalas na nadadamay sa Mindanao
Mindanao, Mindanao

Pinoy kapwa Pinoy ang naglalaban doon sa Mindanao
Marami ng dugo ang dumanak sa lupa ng Mindanao
Mindanao, Mindanao

Hindi na ba maaawat, hindi na ba matatapos
Ang solusyon ba'y digmaan sa lupang pangako
Hindi na ba masasagip ang mga kapatid natin sa Mindanao
Hindi na ba masasagip ang mga kapatid natin sa Mindanao
Mindanao, Mindanao

Mga mamamayan doon ay takot ang nadarama
Hindi malaman kung ano ang gagawin sa tuwi-tuwina
Mga taong walang malay
Madalas na nadadamay sa Mindanao
Mindanao, Mindanao
Mindanao, Mindanao



Main Page

Please report any error in lyrics or commentaries to antiwarsongs@gmail.com

Note for non-Italian users: Sorry, though the interface of this website is translated into English, most commentaries and biographies are in Italian and/or in other languages like French, German, Spanish, Russian etc.




hosted by inventati.org